HINDI malaman ng mga nakasaksi sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm store ni Maria De Jesus sa Alimall, Cubao Quezon City kung kaninong artista sila magpapa-picture dahil nasa harapan lang nila ang endorsers ng produkto na sina Sylvia Sanchez, Shyr Valdez, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Alma Concepcion, Matt Evans, Carlo Aquino at ang kilalang social media influencer na si Darla Sauler.
Simula sa basement hanggang ikaapat na palapag ng nasabing mall ay punumpuno ng tao kaya nahirapan ang security guards na pakalmahin ang mga tao.
Ang Presidente at CEO ng Beautederm na si Ms Rei Tan na abalang-abala sa pagvi-video ng mga nangyayari ay tuwang-tuwa sa response ng tao sa produkto nila kaya positibo siyang dudumugin ang ika-41st physical store niya.
OFW na dating
seller, nagtayo
ng sariling
business
ANG ganda ng kuwento pala ng Beautefy seller na si Ms. Maria na 10 years nang OFW sa Singapore bilang manager ng restaurant.
Ayon kay Ms. Rei ay nagsimulang gamitin ni Ms. Maria ang produkto niya dahil marami siyang acne at noong malaki ang pagbabago sa loob ng isang buwan ay kaagad niyang inirekomenda sa lahat ng kaibigan hanggang sa naging word of mouth na ito sa Singapore at dumami na ang resellers pati sa online ay super lakas na rin.
“Noong nakaipon na si Maria, nag-decide na siyang bumalik ng Pilipinas kasi sobrang nami-miss din niya ang anak niya at nagtayo na nga siya ng Beautederm business, itong Beautefy,” say sa amin.
Paano nga ba naging may-ari ng Beautederm si Ms. Rei.
“Aksidenteng negosyo lang po ito, ako kasi ordinaryong probinsiyana na sobrang dami ng pimples, siyempre hindi naman ako against sa mga may pinagagawa, sa amin sa probinsiya ang sabi nila, pang-mayaman lang ‘yung may mga ginagawa sa face. Kasi nga wala kang pera.
“Rati kasi DJ ako, so nagtatago lang ako sa booth lagi kasi nga nahihiya ako sa mukha ko plus maitim pa ako.
“Rati kasi akong trainor sa Avon (Cosmetics) at na-expose ako sa mga dealer at chemist bago naman na-perfect, naka-apat po akong chemist,” kuwento ng masipag na negosyante.
Sabi pa, “importante po kasi sa negosyo marketing. Ang dami riyang artista, negosyante na labas lahat ang pera, after a while wala na, kasi ang sikreto talaga ng business ay marketing, kung wala nito, mamamatay talaga ang negosyo.
“I started 2009 at kumuha lang ako ng mga kaibigan kong puwedeng mag-promote like sina Rochell (Barameda) at Alma (Concepcion) pero hindi ako nagbayad sa kanila, this is all real testimonies nila na sinasabing hindi sila tumatanda o walang wrinkles.
“So noong time na kinuha ko si ate Sylvia (Sanchez) may pera na ako, established na ako. Ayoko kasing i-risk ‘yung pera ko for alam mo ‘yun tapos matatalo ka.”
Physical store,
walang
franchise fee
BALIK tanong namin na noong kinuha niya si Sylvia ay lumakas at mas lalong nakilala ang Beautederm products niya.
“Seven years na po (noong kinuha ang aktres), kilala naman na rati pero noong kinuha ko na si ate Sylvia siyempre may pambayad na ako ng talent fee. But prior to that, marami na po akong sellers.
“Noong si Ate Sylvia na, nakilala na nang husto sa mainstream, nadagdagan ang market kasi sa showbiz, kaunti lang ang market ko na nag-e-endorse. That time rin po, si Ate Shyr (Valdez) talaga ang kaibigan ko, sabi niya (Shyr) si Ate Sylvia ang kunin ko kasi kainitan ng ‘The Greatest Love,’ so right timing na kunin siya kasi natural beauty din si Ate Sylvia at magbi-billboard na rin po kasi ako noon, kaya sabi niya (Shyr) kumuha ka ng may recall ang name kasi makatutulong. Hindi naman puwedeng friendship-friendship lang, ‘di ba?
“At dapat may NAME kasi magbabayad ka rin naman ng malaki, eh, so dapat may recall (pangalan). Hanggang sa nagkasunod-sunod na po ang pagsulpot ng 41 physical stores. Malakas po sa online, mayroon din sa Lazada, Shopee. ‘Pag check n’yo po sa sa online ang Beautederm, lahat po ‘yan ako ang distributor. Lahat po ng nag-physical stores ay nag-online (sellers) muna. I trained them to become a businesswoman po,” pagtatapat nito.
Walang franchise fee ang lahat ng nagtayo ng physical store ng Beautederm.
“Ano po kasi naawa ako sa mga negosyante kasi babayaran pa niya ako, mayroon pa akong royalty fee buwan-buwan, eh, akin naman naman lahat ‘yang mga produkto. Ako naman ang supplier so, bakit ko pa pahihirapan ‘yung tao monthly.
“Gusto ko laging good karma po, bukod sa gusto kong gumanda sila (customers) ay gusto ko ring baguhin ang pamumuhay nila.
“’Yung mga upa lang ng puwesto nila, sila (sellers) na po ang magbabayad and they’re paying in cash all my products so, bakit pa ako kukuha ng share sa kanila. Pera na nila ‘yun, eh. At the same time kapag ayaw na namin ang isa’t isa, wala ng legal issues pa. Kasi nasa contract lang namin, exclusive na beautederm products lang, kasi ayaw ko na halo-halo ang paninda nila kasi hindi ka magiging credible, dapat loyal ka and I teach them how to market properly,” katwiran pa ni Ms. Rei.
Marami silang natatanggap na alok na maglagay sa mga kilalang malls sa buong Pilipinas.
“Marami po, pero hindi ko ina-allow kapag hindi ka user, that’s number one. Kahit bigyan nila ako ng maraming pera at higher ‘yung monthly, ayaw ko talaga. Gusto ko silang magsimula sila as resellers, distributor may levelling po tayo. Kailangan lahat sila marunong magbenta ng produkto nila.
“At saka po matataas ang renta ng iba, tapos they give shares (percentage sa mall) kawawa naman sila (sellers). Eh, dito (Alimall), medyo maganda ‘yung market at mura pa ang upa. Hindi gaya ng ibang malls. Kaya sabi ko nga, imbes na kikitain na nila, eh, ‘di mag-online na lang kung ganyan,” pangangatwiran sa amin.
Sylvia, Darla
at Carlo,
epektibong
endorser
ANO ang pagkakaiba ng Beautederm sa ibang beauty products na ine-endoso rin ng mga sikat na artista.
“’Yung sa akin po kasi, isang set palang nagbago na ang mga hitsura nila (nakagamit), sila po mismo ang testimony at FDA approved po kasi I care for you and I care for myself na anything na ginagamit mo sa skin, eh, papasok ‘yan sa internal organ,” sabi pa.
Ang social media influencer na si Darla ang isa sa magpapatunay na epektibo ang produkto ni Ms. Rei dahil malaki ang nabago sa mukha nito.
“Si Darla po ang pinakalamakas na kapag nag-post na, ang dami ng inquiries at maraming nakapansin.
“Sa artista po kasi, magaganda na talaga ang kutis nila, eh, si Darla hindi naman artista kaya napapansin kaagad kapag may nabago sa mukha niya. Na-sold out ang gluta ko dahil sa kanya, promise ganoon kalakas at si Carlo (Aquino) kapag nag-post din at sila ang dala ko, patay na, sobrang lakas, silang tatlo nina Ate Sylvia,” saad pa.
Dahil naniniwala sila sa produkto at user din sila ay nagtayo na rin ng sariling store at clinic sina Sylvia na Skin and Beyond Clinic sa Butuan City at si Matt naman ay BeauteLab sa may Farinas Trans Terminal, A.H. Lacson Avenue, Manila.
Si Carlo ay naghahanap pa kung saan ang may magandang puwesto, ayon mismo kay Ms. Rei.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan