Wednesday , May 22 2024
Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV personality at celebrity influencer na si Cassy Legaspi bilang pinakabagong ambassador. 

Mula ng itinatag noong 2009, naging lider na ng beauty and wellness industry ang Beautéderm bilang isang respetadong distributor na pinagkakatiwalaan ang mga brand nito ng mga consumer ‘di lang sa Pilipinas maging sa buong mundo, dahil na rin sa epektibong business model nito na nagbibigay ng long-term at sustainable na trabaho sa mga libo-libong mga reseller at franchisees. 

Cassy Legaspi, Beautederm 2

Sa ngayon, mahigit sa 100 mga produkto ang nasa ilalim ng Beautéderm sa mga kategorya ng Make-up and Cosmetics; Haircare; Body Care; Personal Care; Body Sets; Spruce And Dash Collection; Beautéderm Home; at Facial Care – na ineendoso ni Cassy. 

Ang mga nabibilang sa Facial Care Line ng Beautéderm ay ang kalulunsad lamang na Blanc Plus Sheet Mask at Blanc Plus Mask Serum kasama na rin ang Beauté L’ Elixir Skin Set; Beauté L’ Micellaire; Beauté L’ Créme Decollage; C’est Clair Acne Drying Gel; Acne Loin; at La Fraise Gommage Instant White Polish. 

Cassy Legaspi, Beautederm

Si Cassy, na ineendoso rin ang Caress Hand Sanitizer Spray, Etré Clair Mouth Spray, Glowtion Instant Tan Lotion, at Au Revoir Relax and Revive Lotion, ang ideal brand ambassador ng Facial Care Line ng Beautéderm dahil sa kanyang wholesome image at dahil sa  malakas na reach sa mas batang segment ng merkado na makikita sa kanyang milyon-milyong followers sa social media. 

Maliban sa pagiging isang major social media influencer, nakakuha si Cassy ng mas malawak na mainstream recognition noong lumabas siya sa GMA-7 top-rater na First Yaya na ginampanan niya ang papel ni Nina Acosta habang co-host siya ng Sarap ‘Di Ba Bahay Edition kasama ang kanyang inang si Carmina Villaroel at kapatid na si Mavy Legaspi mula 2018 hanggang 2021. 

“Very welcome addition si Cassy sa Beautéderm and we are thrilled to have her on board,”ani Beautéderm President and CEO Rhea Anicoche-Tan na ipinagdiwang kamakailan ang Royale Beauté 12th anniversary celebration of the company. “Cassy embodies the vibrancy of youthfulness and this best represents our line of products which are designed and formulated for all ages.”

Cassy Legaspi, Rhea Tan, Beautederm,

Si Cassy naman ay napakasaya rin ngayong opisyal na siyang Beautéderm Brand Ambassador. “I am happy to partner with Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Gustong gusto ko ang all-natural skin set na Beauté L’ Elixir at part na po ito ng aking daily skin regimen. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin mula ng ginamit ko itong skin set.”

Para sa karagdagang impormasyon at para sa mga exciting updates sa Beautéderm at kay Cassy Legaspi, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, ang @beautedermcorp sa Twitter, at @beautedermcoporation sa TikTok; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV saYouTube. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Krystall Herbal Oil

Pinapak ng maliliit at pulang langgam guminhawa  sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Magandang araw …

Vilma Santos Bryan Dy

Bryan Dy ng Mentorque Productions, dream come true na gumawa ng movie with Ms. Vilma Santos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA NAGDAANG Barako Fest 2024 ay nabanggit ni Bryan Dy ng …

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

Lolit Solis Boy Abunda Rhea Tan Alice Eduardo

Manay Lolit dinagsa ng malalaking personalidad sa 77th birthday celebration

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan si Manay Lolit Solis sa pagdalo ng kanyang mga kaibigan mula …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …