JERUSALEM – Mabubunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasunduan para mabawasan ng US$12,000 ang binabayarang placement fee.
Lubos ang naging pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya tuloy maiwasang ikompara ang kabaitan ng mga taga-Israel sa pagmamaltrato sa ibang OFWs sa ibang bansang hindi na niya binanggit ang pangalan.
“And thank you for hosting almost 28,000 Filipinos. They have been very happy working here, taking care of the aging population of yours, citizens. And I have heard that they have been treated as human beings. Unlike in other places of which I am not at liberty to mention now. But the way that they have been received here, was shown last night by their jubilation,” ani Pangulong Duterte.
Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Netanyahu sa napakalaking tulong ng Israel para mabawi ng gobyerno ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.
“Thank you and may we continue to be blessed with a strong relationship. I do not think that there will ever be a time when there is an irritation even between our two countries. We share the same passion for peace. We share the same passion for human beings but we also share the same passion of not allowing our country to be destroyed by those who have the corrupt ideology who nothing but to kill and destroy,” ani Pangulong Duterte.
(ROSE NOVENARIO)