Thursday , June 1 2023

OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA

MAKARAAN magde­klara ng state of emer­gency ang Tripoli Autho­rity, pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino bunsod ng kagu­lohan doon na kumitil ng maraming buhay.

Umapela ang ahen­siya sa mga Filipino sa Lib­ya na gawin ang iba­yong pag-iingat at manatili sa loob ng ba­hay at iwasan ang luma­bas kung hindi naman kinakailangan dahil sa sitwasyon sa Libyan capital dulot ng tensi­yon. Ayon sa Philippine Embassy sa Tripoli, bu­kod sa nangyayaring labanan, may mga pag­kakataon din ng pag­nanakaw at panlo­loob, carnapping at iba pang mga krimen.

Sinabi ni Chargé d’Affaires Mardomel Melicor, tinatayang nasa 1,800 Filipino ang nasa Tripoli na pinayohang tiyakin na sila ay may sapat na pagkain at tu­big na tatagal nang ilang araw at maging handa kung mawala ang sup­ply ng koryente at inter­net connection.

Inihayag ni Melicor, ang Embahada ay mananatiling handang tumugon sa ano mang kahilingan para tulungan ang Filipino community doon. (JAJA GARCIA)


US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)
US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

About Jaja Garcia

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *