Thursday , June 1 2023

8,000 Pinoys nakauwi na

TINATAYANG higit sa 8,000 Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong bilang na natulungana ng pamahalaan para makabalik sa bansa.

Bago matapos ang buwan ng Agosto nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mahigit sa 153,000 repatriated OFs nang madagdagan ng 8,329 ngayong linggo.

Sa kabuuang 153,124 repatriates, 57,595 ay OFs (37.6%) pawang sea-based habang 95,529 (62.4%) ay land-based.

Ayon sa ahensiya, kahit limitado pa rin ang commercial flights mula sa iba’t ibang bansa dahil sa CoVid-19 pandemic, naisaayos pa rin ng kagawaran ang 39 special commercial repatriation flights mula sa Middle East, America, Europe, at Asia Pacific.

Naging tagumpay rin na matulungan ng DFA para makabalik sa bansa ang mga OF mula sa mga bansa na walang direktang biyahe sa Filipinas gaya ng Kenya, Peru, Israel, Russia,Turks & Caicos, Iraq, at Egypt.

Patuloy ang ginagawang pagtulong ng DFA para sa repatriation flights ngayong darating na Setyembre sa pamamagitan ng koordinasyon ng foreign service posts gayondin ang mga partner government agencies nito.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *