READ: Ang Bible ni Pacman
HINDI lang si dating PGMA, ngayon ay House Speaker GMA, ang mahaba ang suwerte, nadadamay din sa ‘magandang’ kapalaran ang kanyang long-time puppy ‘este ally na si Quezon Rep. Danilo Suarez.
Mantakin n’yo, naging House Minority Leader pa?!
Kahit bumoto siya para kay SGMA e naging minority leader pa siya?!
Buenas to the max!
‘Yan ay sa gitna ng mga batikos at protesta, siya pa rin ang nahirang na minority leader.
Sa pamamagitan ng botohan ng mayorya sa plenaryo sa pamamagitan ng “ayes and nays” kung sino ang minority leader pagkatapos ng ilang araw ng matinding debate kung karapat-dapat ba si Suarez na maging minority leader sa kabila ng pagsuporta sa kudeta ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo laban kay Rep. Pantaleon Alvarez ng Davao.
Kahit alinsunod sa patakaran sa Kamara, ang lahat ng bumoto sa nanalong speaker ay magiging parte ng mayorya.
Pero sabi nga ni House Majority Leader Rolando Andaya, “I would like to finally resolve the minority leadership issue… and recognize Rep. Suarez as the minority leader.”
Kaya ang tawag ngayon kay Suarez ay hilaw na minorya.
Isa si Suarez sa 184 mambabatas na bumoto kay Arroyo.
Paano nga naman gagampanan ni Suarez ang liderato ng minorya bilang ‘fiscalizer’ kung kaalyado siya ng mayorya?
Sa isang banda, gusto nating bigyan ng katuwiran si SGMA, sa tindi ng gitgitan ngayon sa posisyon sa loob mismo ng Duterte administration, mas pipiliin nga naman niya ang isang minority leader na puwede niyang utusan kaysa minority group na puwede siyang pagplanohan.
Gets n’yo?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap