PINAYOHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Kuwait na samantalahin ang dalawang buwan extension na ibinigay para sa amnesty program ng gobyerno ng naturang bansa para makauwi sila sa Filipinas.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, base sa ulat ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, ang amnesty program ng Kuwait government para sa mga dayuhang nagtratrabaho sa kanilang bansa ay pinalawig ng da-lawang buwan at matatapos sa Abril 2018.
Ang naging hakbang ng Kuwait government ay bunsod ng kahilingan ng Filipinas na palawigin ang amnestiya nito para ma-accomodate ang 10,800 manggagawang overstaying sa nasabing bansa.
Aniya, sa pama-magitan nito ay magi-ging maayos ang relas-yon ng Filipinas at bansang Kuwait.
Nasa 3,000 ang nag-apply na overseas Filipino workers (OFWs) at pinagkalooban ng amnestiya ng gobyerno ng Kuwait.
Unang ipinahayag ni Cayetano, dati ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi siya pupunta ng Kuwait kung wala aniyang mapagkakasunduan at walang commitment para sa proteksiyon ng mga manggagawang Filipino sa nabanggit na bansa.
(JAJA GARCIA)