Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SAP Bong Go sa frigate project koryente — Roque

“NAKORYENTE” ang nagsangkot kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa multi-bilyong frigate project.

Ito ang mabubunyag ngayong araw sa pagdinig sa Senado hinggil sa frigate project, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

2 SAF patay, 6 sugatan sa ambush sa Antipolo (Opensiba inamin ng NPA)

“Asahan na bukas ay lalabas at lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay koryente, o pekeng balita na pilit na iniuugnay sa administrasyon,” ani Roque.

Giit ni Roque, itinuturing ng Malacañang na isang welcome opportunity para kay Go ang pagdinig ng Senado para linawin ang pagkaka­dawit ng pangalan sa frigate deal ng Philippine Navy.

Handang-handa na aniya si Go na ilahad ang lahat sa isang bukas at transparent na Senate inquiry.

Kabilang sa ikakanta ni Go ang katotohanan na ang Aquino administration ang pumili sa Hyundai Heavy Industries (HHI) bilang supplier ng dalawang frigates, kasama ang boat supply, navigation, communications at combat management systems (CMS).

At ang nakaraang administrasyon din aniya ang nagdeklara na ang Hyundai ang nanalong bidder at nakakuha ng kontrata.

“We reiterate that the allegations against SAP Go are untrue and unfounded.  It was the Aquino administration which chose Hyundai Heavy Industries (HHI) as supplier of the two frigates, including the supply of the boat, the navigation, the communications, and the combat management systems (CMS). It was also during the previous administration that Hyundai was declared the responsive bidder and awarded the two frigates, including the CMS. The whole truth would finally be known,” ani Roque.

Matatandaan, isiniwalat noong nakalipas na buwan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na kaya nasibak bilang Navy Flag Officer in Command si Vice Adm. Ronald Joseph Mercado ay bunsod nang pagtutol sa gustong mangyari ni Go sa frigate project.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …