Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong movie ng JaDine, true-to-life

PARANG true-to-life sa buhay mismo nina Nadine Lustre at James Reid ang istorya ng forthcoming film nilang Never Not Love You.

Nag-release na ang Viva Entertainment sa ilang TV networks at sa social media ng unang teaser para sa pelikula na may mge eksenang kinunan sa Italy.

Ayon sa report ng CNN online, na nagbalita tungkol sa trailer ng pelikula, mag-sweetheart sina Nadine at James sa istorya, at isang araw ay basta nagpasyang mag-live in.

‘Di nga ba’t matagal nang pinagsususpetsahang nagli-live-in ‘yung dalawa? Kaya nga walang kamalay-malay si Nadine na depressed na depress na ang younger n’ya na nag-suicide dahil hindi na nakatira si Nadine sa family house nila.

“Come live with me!” romantikong sambit niyong character ni James kay Nadine matapos nilang magpa-tattoo sa mga braso nila ng “you & me” at “ikaw at ako.”

Sa next scene sa teaser, naglalakad na ‘yung dalawa sa corridor ng isang condominium. May yakap-yakap ng malaking bag si Nadine.

Papasok sila sa unit ni James, tuloy-tuloy sa bedroom, hihiga sila sa kama, at magsisimulang maghalikan ‘yung dalawa na nakadamit pa. Sa actual movie, posibleng tuloy-tuloy sa isang passionate lovemaking ang eksenang ‘yon.

“Nadine Lustre, James Reid get touchy-feely in teaser of new movie,” ang titulo ng online report sa cnnphilippines.com.

Two minutes lang ang haba ng teaser, ayon pa sa CNN news. Galing sa You Tube ang kopya ng teaser na ipinakita ng CNN sa report nila.

Ulat ng CNN”The rest of the two-minute clip shows possible scenarios if the couple lived together, as Reid narrates the pros of his idea, hoping to convince Lustre to say yes.

“Its YouTube description says the film is about young lovers who tried to build a life together until career opportunities sent them out of the country.”

Ang Never Not Love You ay isinulat at idinirehe ni  Antonette Jadaone, who is best known for her heart-wrenching romance drama films That Thing Called Tadhana (2014), English Only, Please (2014), The Breakup Playlist (2015), and Love You to the Stars and Back (2017).

Naidirehe na noon ni Jadaone sa television sina James si Nadine. Ito ay sa On The Wings of Love at sa Till I Met You noong 2016.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …