Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala pang ebidensiya laban sa Sanofi — DoH

ISANG masusing pag-aaral pa at imbestigasyon ang kailangan upang magkaroon ng konkretong solusyon kung may pananagutan o wala ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa kontrobersiyal na P3.5 bilyong dengue immunization program ng pamahalaan.

Ito ay matapos aminin ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rolando Enrique Domingo sa kanyang pagdalo kahapon sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa Dengvaxia nang siya ay tanungin ni Rep. Estrellita Suansing kung mayroong pananagutang kriminal ang Sanofi sa naturang kontrobersiya.

Ayon kay Domingo, sa kasalukuyan ay nais muna nilang tapusin ang isinasagawang imbestigasyon upang magkaroon ng konkretong resulta para sa pagsasampa ng kaso kung sino ang dapat panagutin.

Maging si Health Secretary Francisco Duque III ay aminadong ang inilabas na findings ng UP-PGH ay preliminary at kung bubusisiin ang nilalalaman ng naturang report nakasaad na kailangan pa ang malalimang pag-aaral.

Magugunitang nagsagawa ng pag-aaral ang Dengue Investigative Task Force mula UP-PGH at naglabas ng resulta na isinumite sa DOH.

Batay sa resulta ng pag-aaral, sa 14 batang namatay na pawang naturukan ng Dengvaxia ay tatlo ang may dengue virus.

Samantala, patuloy na naninindigan si Sanofi Asia-Pacific head Thomas Triomphe na walang konkretong ebedensiya na nagtuturo na ang dahilan kamatayan ay Dengvaxia.

Magugunitang Abril 2016 nang simulang ilunsad ng DOH ang bakuna sa mga public school children na mayroong naitalang mataas na bilang ng mga insidente ng dengue.

Nitong Nobyembre 2017, ipinahinto ni Duque ang naturang bakuna matapos aminin ng Sanofi na may masamang epekto ang bakuna sa mga hindi pa nadadapuan ng dengue. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …