Friday , December 27 2024

‘Jagger-naut’

ANG pagkakatalaga ni Lieutenant General Rey Leonardo “Jagger” Guerrero bilang bastonero ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpapakita na hindi uubra ang “militics” (military politics) o “bata-bata system” kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Malaki ang impluwensiya ng mga retiradong heneral ng AFP na nakapaligid sa Pangulo at ilan sa kanila ay produkto rin ng nakinabang o naging biktima ng ‘militics.’
Mistulang “juggernaut” ngayon ang dating ni Jagger sa mga pailalim na nagtataguyod  ng ‘militics’ sa AFP. Siya ay miyembro ng Phlippine Military Academy (PMA) “Maharlika” Class 1984.
Isang dating senador at Interior secretary na tinalo ni Digong noong presidential election 2016 ang kasama sa listahan ng mga sibilyan na honorary member ng Class ‘84, pati na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, anak ng Pangulo.
Si Jagger ay magreretiro sa darating na Disyembre pero malamang palalawigin ng Pangulo ang kanyang termino nang hanggang tatlong buwan at ayon sa aking mga source, susunod nang maging AFP chief ang kauna-unahang Presidential Security Group (PSG) chief ni Digong.
Gawa ng ‘militics,’ dapat noon pang Disyembre 2016 umupo si Jagger bilang AFP chief. Nadesmaya rin ako noon nang malaman ko na kasama sa ‘militics’ laban kay Jagger ang paparetiro na noon na heneral na kung ilang beses din naging biktima ng ‘militics.’
Ginawan pa ng “bad script” si Jagger.
Pumutok ang Davao City bombing na mahigit dalawang dosenang katao ang nasawi at dose-dosena ang sugatan. Mantakin ninyong ang huling nakaalam sa insidenteng ito ay si Jagger na siyang Eastern Mindanao Command (Eastmincom) chief at sa loob mismo ng kanyang bakuran nangyari ang insidente!
Sa madali’t sabi, tahasang ‘pinakapa sa dilim’ ng ‘militics’ si Jagger para sa kapakinabangan ng isang heneral na sa kalauna’y naging AFP chief.
Muling naunsiyami ang pag-upo ni Jagger dahil sa nangyaring gulo sa Marawi City. Pinaretiro nang maaga ni Digong si Gen. Eduardo Año para makaupo na si Jagger pero binawi rin nito. Nitong 26 Oktubre 2017 ay tuluyan nang nagretiro sa serbisyo si Año.
Sa katunayan, wala na sa radar si Jagger bilang AFP chief dahil mahigit dalawang buwan na nga lang ang natitira sa kanyang serbisyo sa AFP.
 Pero ngayon si Jagger na ang AFP chief.
 May mga gawaing ipagpapatuloy ni Jagger na naiwan ni Año at meron din dapat ituwid gawa ng ‘militics’ sa loob mismo ng organisasyon ng AFP.
 Class ‘84 naman ngayon ang siga sa AFP.

About JB Salarzon

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *