KAILANGAN ng angkop na estratehiya ang Malacañang sa larangan ng komunikasyon upang epektibong maipaliwanag ang tamang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa masa.
Imposibleng hindi makikinig ang Pangulo sa kanyang mga alter-ego gaya nina Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar.
Sa strategic messaging ng Pangulo, angkop na gabay ang kanyang kailangan mula kina Abella at Andanar dahil sila ang nakapupulso sa media, lalo ang traditional media.
Galing si Andanar sa mainstream o traditional media kaya malaki ang inaasahang tulong mula sa kanya upang tulungan ang Pangulo lalo sa adversarial media.
Pero lumalabas na mas prayoridad ang social media kaysa pagtuunan ng pansin ang mga lehitimong kritisismo ng traditional media.
Kaya matindi ang bangayan ng Palasyo at traditional media.
Hindi kompiyansa ang masa sa mga kasagutan na lumalabas sa social media. Naghahanap ang taongbayan ng lehitimong kasagutan hindi ang hindi makatuwirang kuro-kuro ng isang indibidwal dahil blogger siya na wala namang tangan na responsibilidad at pananagutan sa batas at taong bayan.
At the end of the day ‘ika nga, hindi mananaig ang blogger sa isang lehitimong journalist dahil ang huli ang tatangkilikin at paniniwalaan pa rin ng publiko. Sila pa rin ang panonoorin sa tele-bisyon, papakinggan sa radyo at babasahin sa diyaryo. Lilipas din si blogger pero si journalist nandiyan pa rin, patuloy na maghahatid ng mga makabuluhan, napapanahon at nakaeengganyong pagbabalita.
Ang malinaw, walang pananagutan ang isang blogger sa responsableng pamamahayag lalo ang pananagutan sa mamamayan.
Hindi nakatutulong sa Pangulo ang paghahatid ng mensahe nang walang pananagutan sa mamamayan.
Eto pa, kailangan ba na ang Pangulo ang makipagratratan kay Senator Antonio Trillanes IV? Ibigay na lamang ‘yan sa isang blogger.
Dapat ba na ang Pangulo ang bibira sa mga personalidad ng European Union na nagtungo rito sa bansa upang kondehanin sa harapan ng media ang gobyerno sa umano’y state-sponsored na pagpatay ng mga suspek sa ilegal na droga? Ipaubaya na lamang ‘yan sa blogger.
Sa madali’t sabi, ang isang blogger ay isang tactical na armas upang ipaabot ang mensahe ng kanyang sinusuportahang politiko o personalidad.
May mga bagay-bagay na ang Pangulo ang dapat magsalita. Tama lang.
Pero may mga usapin din na hindi na dapat ang Pangulo ang magsalita o sasagot pa.
Dito may kakulangan ang mga alter-ego ng Pangulo. Sakop ito ng bawat miyembro ng gabinete ng Pangulo.
Magsalita kayo para sa Pangulo, hindi ang Pangulo ang laging nagtatanggol at dumedepensa sa bakuran ninyo. Huwag itulak nang itulak ang Pangulo sa inyong harapan o magtago sa kanyang likod.
Ang estratehiya ng komunikasyon ay dapat malinaw. Ang strategic messaging ay sa Pangulo, tulungan ng bawat miyembro ng gabinete at bawat ahensiya o institituyon ng gobyerno na dalhin ang mensahe ng Pangulo sa masa.
Check Also
Mga senador na nasa tama, nagkamali
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …
“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …
Upakan sa Pasig umiinit
PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …
Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy
SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …
Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …