Friday , December 27 2024

AFP, NBI magkaka-share na rin sa STL?

HINDI na nakapagtataka kung aktibong pagagalawin na rin ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) para paigtingin ang implementasyon ng Executive Order No. 13, ang all-out war vs illegal gambling, ni Pangulong Rodridgo Duterte.

Kung ano man ang magiging partisipasyon ng AFP, at malamang sa counter-intelligence, ay talaga namang malaki ang maiaambag nito sa kampanya ng gobyerno laban sa jueteng at iba pang klase ng ilegal na sugal.

Kung tutuusin, aktibong-aktibo na ang NBI sa implementasyon ng EO13 sa gitna ng ilang nagsusulputang impormasyon na may mga bugok din sa hanay nito na tumatanggap din umano ng ‘payola’ sa mga gambling lord.

Pero kung ang pamunuan ng NBI ang tatanungin, “zero corruption” ang ahensiya pagdating sa payola lalo na sa illegal gambling.

Bago pa pinirmahan ni Duterte ang EO13, nagkaroon na ng Memorandum of Agreement (MOA) noong nakaraang taon ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na manguna at magsilbing pangunahing law enforcement agency ang PNP para sa all-out war vs jueteng at lahat ng klase ng ilegal na sugal.

Kasama ang PCSO at PNP sa Anti-Illegal Gambling Task Force na binuo ng Palasyo.

Ang siste, tila may “standard answer” na ang PNP kung bakit hindi napapatigil ang illegal gambling. Kaya tinawag na “anemic performance” ni PCSO General Alexander Balutan ang kampanya ng PNP laban sa jueteng at iba pa.

Ni isang gambling lord o financier ay walang hinuhuli ng PNP. Puro pipitsugin o mga kolektor lamang ang swak sa kanilang posas.

Kung maalala natin, nagbigay ng 15-day ultimatum si PNP chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng police commander sa munisipyo, probinsiya at rehiyon. Masisipa sila sa kanilang puwesto kapag ‘di nila napatigil ang illegal gambling. Ang resulta, ang ultimatum ay kasama na pala sa booklet ng standard answer ng PNP. Reshuffle o palitan lang pala ng puwesto ang nangyari, hindi sibakan o floating para sa mga opisyal na hindi umaksiyon sa ultimatum ni Bato.

Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, patuloy na nawawalan ng 30% kita ang gobyerno mula sa palarong expanded Small Town Lottery (STL) dahil sa laganap pa ring illegal numbers game gaya ng jueteng.

Dahil nakukulangan ang PCSO sa aksiyon ng PNP para sa sagadsagarang implementasyon ng EO13, eto na at papasok na ang AFP at NBI.

Sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng STL, 2.5% ang share ng PNP mula sa buwanang kita sa STL. Bukod sa PNP, meron ding share ang munisipyo, probinsiya pati na ang distrito ng mga kongresista na labas sa share ng PNP.

Ang share nila ay diretso sa treasury ng mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno at kapag gagamitin ang halaga ay awtomatikong swak ang gastusin sa pamantayan ng Commission on Audit (COA).

Sa kasalukuyan, tumatabo na ang STL ng P1.1 bilyon kada buwan.

Sa nakalap na impormasyon ng aking pasa-bilis, babasagin na ang 2.5% share ng PNP, at ang matitira na lamang sa kanila ay 1.2%.

Mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, P220,071,028.02 na ang naibigay ng PCSO sa PNP mula sa 2.5% na share nito sa STL, kompara sa P154,608,158.40 (3% share) na kabuuang share nito sa taong 2016.

Pero sabi nga nila, sisiw ang P220M kapag ang pag-uusapan ay payola mula sa gambling lord na diretso sa personal na bulsa.

BAGO ‘TO
ni JB Salarzon



About JB Salarzon

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *