SI BOB DYLAN, Robert Allan Zimmerman sa totoong buhay, ay isang singer na ipinanganak sa Minnesota, USA. Kilala siya sa kanyang mga awiting kontra sa giyera at nagsusulong ng karapatang pantao, tulad ng “Blowin’ in the Wind” at “The Times They Are a-Changin.’”
Hindi lamang sa industriya ng musika, na bilang musikero ay higit 100 milyong record ang naibenta, nakapag-ambag si Dylan. Maging sa visual arts ay humahataw din siya. Simula pa noong 1994 ay makailang beses nang naitampok sa malalaking art exhibit ang kanyang mga drawing at painting.
Tampok si Dylan sa Time 100: The Most Important People of the Century at doon ay binansagan siyang “master poet, caustic social critic and intrepid, guiding spirit of the counterculture generation.”
Noong 2008, ginawaran siya ng “special citation” ng hurado ng Pulitzer Prize para sa kanyang impluwensiya sa pop music at American culture dahil sa mga liriko niyang matalinghaga.
Isang taon ang lumipas, isang William Arctander O’Brien, literary scholar at propesor ng German ng Comparative Literature sa University of California San Diego, ang nagtatag ng isang asignaturang nakatuon lamang kay Dylan.
Sinabi ni Dylan noong 1985, “The thing about rock ‘n roll is that for me anyway it wasn’t enough… There were great catch-phrases and driving pulse rhythms… but the songs weren’t serious or didn’t reflect life in a realistic way. I knew that when I got into folk music, it was more of a serious type of thing. The songs are filled with more despair, more sadness, more triumph, more faith in the supernatural, much deeper feelings.”
Sa edad na 75 anyos, iginawad sa kanya ang Nobel Prize for Literature.
ni Joana Cruz