ISA sa mga pangunahing isyu na tinilakay ni Mark Cojuangco, da-ting kongresista ng 5th district ng Pangasinan, ang aniya’y ikinatatakot nang marami ukol sa pla-nong pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), ang nangyari sa Chernobyl Nuclear Power Plant sa Pripyat, Ukraine noong 1986.
“Hindi dapat ikonsidera ang Chernobyl disaster,” pahayag ni Cojuangco sa media briefing ng BNPP sa National Power Corporation (NPC) Nuclear Power Village, Bagac, Bataan, kahapon ng umaga.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat ikompara ang Chernobyl Nuclear Power Plant sa BNPP, wika ni Cojuangco, ay isa itong planta ng mga nuclear weapon na ikinombert lamang sa nuclear power plant upang magamit na source ng koryente.
Bukod dito, ang naturang planta sa Chernobyl ay walang “containment” at “warehouse type” ang estraktura ng gusali; samantala katulad ng disenyo ng mga planta sa Angra (Brazil), Kori II (South Korea), at Krsko (Slovenia) na ilang dekadang nagbibigay ng suplay ng kor-yente sa mga nasabing bansa.
Wala dapat ipag-alala sa usa-pin ng lindol, ani Cojuangco. Idinisenyo ang 40-taon-gulang na planta, na nakatirik sa 400 ektaryang lupa sa Morong, na hindi matibag ng pinakamalakas na lindol.
“Wala rin pong fault sa lugar. Nagpapunta po tayo ng mga eks-perto at matagal nilang pinag-aralan ito. Wala silang nahanap na fault,” paliwanag ni Cojuangco.
Bagama’t patuloy ang kampanya ni Cojuangco tungo sa tamang kaalaman tungkol sa BNPP, hindi kompiyansa si Sen. Win Gatchalian sa pagbubukas nito.
Ani Gatchalian, may posibi-lidad na hindi kayanin ng planta ang kalamidad na maaaring sumalanta rito.
Nais ng senador na pag-aralan muna nang lubusan ang seguridad sa BNPP upang maiwasan ang hindi kahandaan sa trahedya, tulad ng nangyari sa Tacloban noong isinalanta ito ng bagyong Yolanda noong 2013, ayon sa kanya.
Nagkaroon ng ocular inspection sa BNPP sina Cojuangco, Gatchalian, Sen. Nancy Binay, at Engr. Mauro Marcelo Jr., kasama ang ilang miyembro ng media bilang kampanya ng Department of Energy sa pagsusulong ng paggamit ng nuclear energy.
( Joana Cruz )