Monday , December 23 2024

Matrix basura joke — De Lima

ITINUTURING ni Senadora Leila de Lima na basura  kaya nararapat na sa basurahan lamang at joke ang sinasabing matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol illegal na droga na kasama ang senadora.

Ayon kay De Lima, naaawa at natatawa lamang siya sa Pangulo dahil sa maling impormasyong ipinagkakaloob sa kanya.

Iginiit ni de Lima, bilang abogado at sino mang abogado ay pagtatawanan lamang ang akusasyon laban sa kanya kung ang matrix na basura ang basehan.

Naniniwala si De Lima, layon lang talaga na sirain siya at guluhin na gampanan ang tungkulin bilang senador, at kabilang dito ang pamumuno sa imbestigasyon ng Senado ukol sa extra judicial killings na may kaugnayan sa illegal na droga.

Inamin ni De Lima, totoong empleyado niya ang inili-link sa kanya ngunit wala silang relasyon.

Kompiyansa si De Lima, hindi siya sangkot sa droga at walang matibay na ebidensiya para siya ay makasuhan  kaugnay sa droga.

Aminado si De Lima na lubha siyang naiinsulto at hindi tama at personal ang ginagawa ng Pangulo sa kanya bilang isang babae.

Iginiit ni De Lima, hindi bahagi ng kanyang tungkulin bilang senador ang pag-usapan ang kanyang personal na buhay.

Tiniyak ni De Lima, ito na ang huling pagkakataon para sagutin ang Pangulo sa akusasyon laban sa kanya.

Batid ni De Lima na maraming grupo ang gagawin ang lahat para siraan siya at wasakin ang kanyang pangalan at institusyon na kanyang kinabibilanganan sa kasalukuyan.

( NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *