Friday , April 18 2025

Vendor patay sa saksak

PINATAY sa saksak ng isang lasenggo ang kanyang 43-anyos live-in partner nang hindi makapagbigay ng pambili ng alak sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio  Memorial Medical Center dakong  9:57 pm ang biktimang si Baunut Mapusali, residente sa Block 11, Baseco Compound, Port Area.

Habang pinaghahanap ang suspek na si Lux Mangcao  alyas Kakok, 45-anyos, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 7:30 pm nitong  Huwebes nang maganap ang pananaksak sa loob ng bahay.

Napag-alaman, kadarating pa lamang mula sa pagtitinda ng biktima nang humingi ng pera ang suspek ngunit ayaw bigyan kaya nagalit at inagaw ang dalang bag ng babae.

Nang hindi makuha ang bag ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *