Saturday , April 19 2025

Kelot patay dyowa timbog sa droga

PATAY ang isang 37-anyos lalaki habang naaresto ang kanyang kinakasama sa buy-bust operation  kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Si Allan Eufemio, residente ng Benita St., Gagalangin, Tondo ay namatay noon din habang naaresto ang kinakasama niyang si Lanie de Guzman, 35, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Det. Milbert Balinggan ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section, bandang 10:10 pm nang maganap ang insidente sa panulukan ng Benita at Juan Luna St., sa Gagalangin, Tondo.

Nabatid mula kay Supt. Alex Daniel, station commander,  ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek at sa kanyang kinakasama.

Nang makatunog ang dalawa na pulis ang kanilang katransaksiyon ay nagbunot ng baril si Eufenio ngunit inunahan siya ng putok ni PO2 Montera.

Samantala, nakompiskahan ng dalawang plastic ng shabu ang kanyang kinakasama kaya inaresto ng mga pulis.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *