GUMAYAK ng kasuotan ng Samurai ang daan-daan mga Japanese amateur marathon runner para lumahok sa mahabang karera sa paliko-likong daan ng bulubunduking bahagi ng northwest Tokyo.
Binansagan ng mga resi-dente bilang ‘samurai marathon’ sinimulan ang 30-kilometrong karera sa Gunma Prefecture noong 1855 ng isang lokal na fief holder na nais palakasin ang mga Samurai troop sa kanilang pagsasanay sa pa-mamagitan ng pagtakbo paakyat sa mga burol hanggang sa bundok gamit ang mga natural na daan dito. Pinaniniwalaang ang takbuhan ang kauna-unahang semi-marathon race sa Japan.
Gayon man, mahigit 150 taon ang nakalipas, kakaunti at bahagya sa dating bilang ang lumalahok sa kompetisyon bilang ser-yosong physical event na ang layunin ay mapaganda ang kalusugan ng mga kalahok.
Ang karamihan ay sumasali sa karera para sa kasiyahan suot ang nakatatawang mga costume mula sa sinaunang Japanese samurai hanggang sa mga karakter sa pelikula at cartoon.
Ayon sa isang participant: “Umubos ako ng ilang kandila para mabuo ang aking costume. Talagang hinintay ko ito at pinaghandaan buong taon.”
Nahirapan naman ang ilan sa mga kalahok dahil sa bigat ng kanilang mga kasuotan. Ang ilan ay nahilo at halos mawalan ng malay sanhi ng labis na pagpapawis at pagod, ngunit ang karamihan ng nagsipagtakbo sa Samurai marathon ay hindi tumigil ng pagtakbo hanggang matapos at makaabot sa kanilang goal na matatagpuan 1,000 metro ang taas sa altitude ng kanilang pinagmulan o starting point.
ni Tracy Cabrera