Saturday , December 21 2024

Pulungan ng KWF ipinangalan sa lolo ni Lourd

MAGKATUWANG na ginupit ng tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino at Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio Almario at ng mamamahayag na si Lourd De Veyra, ang laso sa seremonya ng pagbubukas ng Pulungang De Veyra, kahapon ng umaga sa Gusaling Watson, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. ( KIMBEE YABUT )

BINUKSAN ang panibagong pulungan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) kahapon ng umaga sa San Miguel, Maynila.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng KWF, binuksan ang Pulungang De Veyra sa tanggapan ng KWF sa Gusaling Watson, sa Malacañang Complex, San Miguel, Maynila.

Ipinangalan ang naturang lugar-pulungan kay Jaime C. De Veyra, iginagalang na peryodista, lingkod-bayan at dating direktor ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay KWF).

Naging katuwang ng kasalukuyang tagapangulo at Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio Almario sa pagbubukas ng bagong pulungan, ang apo ni De Veyra na si Lourd De Veyra.

Ikinalugod ni Lourd De Veyra ang pagkilala ng KWF sa kanyang lolo, at kaisa siya ng komisyon sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

“Natutuwa ako rito sa kanilang pagsasalin ng mga classics of world literature na isinasalin sa Filipino,” sabi ni Lourd sa panayam ng Hataw, nang tanungin kung ano ang pinaka-nagustuhan niyang proyekto ng KWF ngayong taon.

Kung mabibigyan ng pagkakataon na maging tagapangulo ng komisyon, isang proyekto ang nais niyang bigyang pansin.

“Paggamit ng social media at cyber space sa pagpapalaganap ng wika at pagmamahal sa wika,” aniya.

Ani Lourd, kukuha siya ng mga ekspertong komisyoner kagaya ni Almario, mga taong mas alam ang lengguwahe, wika, sining at agham ng wika, kaysa kanya.

Bilang paghikayat sa mga Filipino, tinapos ni Lourd ang panayam sa pahayag na, “Ang wika ay tayo. Ang buhay natin ay wika. Ang wika ang ating realidad. Dapat mahalin natin ito.”

Samantala, dalawang gawain ang nag-aabang sa KWF para sa buwan ng Agosto, buwan ng Wika.

Sa Biyernes, 19 Agosto, magaganap ang “Wikang Filipino sa Serbisyo Publiko,” isang komperensiya ng mga tagapag-ugnay sa korespondensiyang opisyal, at pagbibigay parangal sa mga institusyon, indibidwal at kabalikat-wika ng KWF, na nagtataguyod ng wikang Filipino. Ito ay gaganapin sa Bahay ng Alumni sa Unibersidad ng Pilipinas, sa Quezon City.

Sa susunod na Martes, 23 Agosto, magaganap ang Paglulunsad ng Aklat ng Bayan sa Gusaling Watson, at doo’y magkakaloob ng mga komplimentaryong sipi ang mga awtor, tagasalin at tagadisenyo ng KWF, kasunod ng pagpapalagda sa kanila.

Samantala, patuloy ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, ng Komisyon ng Wikang Filipino hanggang magtapos ang buwan ng Agosto.

ni Kimbee Yabut

 

About Kimbee Yabut

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *