Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Linisin muna ang sarili bakuran

Most people can motivate themselves to do things simply by knowing that those things need to be done. But not me. For me, motivation is this horrible, scary game where I try to make myself do something while I actively avoid doing it. If I win, I have to do something I don’t want to do. And if I lose, I’m one step closer to ruining my entire life. And I never know whether I’m going to win or lose until the last second. — Allie Brosh

PASAKALYE: Ang quadrinial meet ng Olimpiyada ay isang aktibidad na kahit papaano’y nagbubuklod sa iba’t ibang bansa para magtagisan ng galing sa larangan ng palakasan sa pamamagitan ng patimpalak sa sports.

Ngunit hindi mahalaga ang magwagi dito. Ang mahalaga ay kung paano nakarating dito at kung paano nakipaglaban dahil sa huling hantungan, ang pag-uusapang tunay ay ang tapang at katatagan ng loob ng bawat atletang lumahok.

AYON kay Quezon City police chief Senior Superintendent GUILLERMO LORENZO ELEAZAR, desidido siyang linisin ang hanay ng QCPD sa mga tiwaling pulis, lalo na kung sangkot ang sinuman sa mga ito sa iligal na droga.

Sabinga ng magitingnahepe ng QCPD, “Kahit alisin pa ang 700, basta lang ba ang matitira sa 4,000 pulis sa ating lungsod ay yaong matitino.”

Tama po kayo…Para matiyak na magiging malinis ang ating lipunan sa kriminalidad, kailangang unahin nating linisin ang sariling bakuran!

Mabuhay po kayo!

NAIS nating batiin si Senior Inspector ROLANDO LORENZO JR. ng QCPD sa kanyang dedikasyon sa tungkulin bilang opisyal ng pulisya.

Kudos, kaibigan!

Surrender or be shot

IYAN ang binitawang babala ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE kay Albuera, Leyte mayor ROLANDO ESPINOSA SR. at sa anak nitong si KERWIN, na pareho umanong sangkot sa drug trafficking at kumakanlong din sa mga sindikato ng droga.

Sa ilalim ng administrasyong DUTERTE, si ESPINOSA ang kauna-unahang local executive na naugnay sa kalakalan ng iligal na droga.

Hiniling ng pangulo na sumuko si ESPINOSA makaraang madakip ang dalawa sa mga security aide ng alkalde at tatlo nitong kasamahan s aisang drug operation sa Barangay Benolho sa bayan ngAlbuera tatlong araw makalipas.

Si IO1 Joel Pinawin ng BoC

ATTENTION: Department of Finance, Office of the Commissioner, Volunteers Against Crime and Corruption, Bureau of Internal Revenue, media… Kindly please check this person: IO1 JOEL PINAWIN, assigned at CIIS-PoM Customs, who has a brand new Landcruiser, Ford Everest, Ford Escape, Audi and 5 other SUVs, and take note, his collector of ‘tara’ is his two police body guard(s), which you can check at his office located at (the) Port of Manila, and if you can check his watch, he bought 3 watches with a cost worth 1 million each from (a) certain MIKE, (who) (is) a broker and seller of luxurious watch(es) and accessories. — Anonymous (09153333345, Hulyo 20, 2016)

Huwag papasukin ang China

GOOD (day) po. May I suggest na ‘mawawala ang bentahan ng shabu kung hindi papasukin ni President RODRIGO DUTERTE ang mga bansa na gumagawa ng shabu. Isa na dun ang China, na kung saan sila ang pangunahing nagsa-supply ng shabu dito sa Pilipinas. — Anonymous (09069045…Agosto 7, 2016)

Starving PNP at old age

GOOD day, Tracy. We hope na this message will reach our President that all PNP who had served for 10 years with clean record be given ‘old age pension’ like the veteran of WWII. I served the PNP more than 10 years and presently starving at old age… — Anonymous (09087634926, Agosto 5, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadalalamang ng mensahe o impormasyonsaaking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamatpo!

PANGIL – Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …