Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BGC taguig

PBA D-League player nanghipo ng bebot

INAKUSAHAN ang isang Filipino-American player ng Philippine Basketball Association (PBA) D-League, ng panghihipo sa 25-anyos babae sa loob ng restaurant-bar sa Bonifacio Global City (BGC) kahapon ng madaling araw.

Kahapon, isinailalim sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office at ngayon ay nasa kustodiya ng Taguig City Police ang hinuling PBA D-League import player na kinilalang si Rashawn McCarthy, naglalaro sa koponan ng AMA Online Education.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado 2:00 am nang mangyari ang insidente sa loob ng Revel Restaurant Bar sa BGC.

Sinasabing nakasalubong ng biktima ang PBA import na bigla siyang hinipuan.

Pumalag ang biktima at inireklamo sa bouncer ng resto-bar ang dayuhang suspek.

Agad inaresto ng bouncer ang inirereklamong basketball player at dinala sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP-7) BGC para sa imbestigasyon.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …