Saturday , November 16 2024
gun dead

Kelot utas sa love triangle

HINIHINALANG love triangle ang motibo sa pagpatay sa isang 42-anyos lalaking miyembro ng Sigue- sigue Commando na pinagbabaril ng riding in tandem sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Hasan Husen Sarip, jobless, ng 2184 Batangas Street, Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:15 pm nang maganap ang insidente sa 1119 Old Antipolo St. kanto ng Laguna Ext., Tondo.

Nakatambay ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang riding in tandem at pinaputukan si Sarip.

Sa nakalap ng impormasyon ng pulisya, ang posibleng motibo ay love triangle na nauugnay rin sa serye ng bentahan ng droga sa naturang lugar.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *