Saturday , November 23 2024

Kapayapaan ang gusto ni Pangulong Duterte

Nakamamangha ang mga ginagagawa ni Pangulong Duterte sa ating bansa at talagang napakaganda ng pamumuno niya.

Gusto niya ay kapayaan at walang nag-aaway na Filipino. In other words, pinagkakaisa niyang lahat.

Nagdeklara siya ng ceasefire para tigil-putukan muna pero ang nangyari hindi sumunod ang NPA at na-ambush pa ang ilang pulis natin.

Nakita natin na talagang sumasama ang loob niya ‘pag may namamatay na sundalo at pulis.

Ganoon lang siya magsalita pero totoong tao siya at may isang salita.

Kaya dapat natin suportahan nang todo ang ating Pangulo.

NBI TULOY ANG KAMPANYA
VS ILLEGAL DRUGS

Hindi nagkamali ang ating Pangulo sa appointment kay Atty. Dante Gierran bilang NBI director. Walang kayabang-yabang at napaka-down to earth.

Droga ang kanilang number one target kaya sunod-sunod ang huli ng anti-illegal drugs ng NBI sa pamumuno ni Atty. Joel Tubera.

Iisa ang ibig sabihin nito, laban sa lahat ng mga illegal at seryoso si Director Gierran na sundin niya ang mandato at kautusan ni Pangulong Duterte.

Mabait si Director Gierran pero galit siya sa mga ‘di sumusunod sa ipinapatupad niyang reporma sa NBI.

MGA TIRADOR ANG IPATAWAG
NI COMM. FAELDON

Kamakailan ipinatawag ni BOC Commissioner Nick Faeldon ang ilang customs official kasama sina  Atty. Langkay  at Atty. Turingan. Nakapagtataka lang bakit nakasama ang dalawang lawyer ‘e maayos at matino naman.

Ang dapat na ipinatawag niya ay isang abogada na tirador ng accreditation at ilang abogado sa RCMG.

Siyanga pala, active na naman daw si alyas ABU SADO sa customs.

Siya ‘yung nagkamal ng daang milyon sa customs at may opisina riyan sa Intramuros.

Siya raw ang tagapindot kung may mga ia-alert na shipment. Mukhang nakakonek na naman ang damuho?!

Happy days are here again?

Totoo kaya ang report na ito? Ang aga namang sumingaw?!

RAKET SA DEPARTMENT
OF AGRICULTURE

Tuloy pa rin daw ang raket sa mga import permit sa Department of Agriculture ng isang alias Saulong.

Kumusta na kaya ang mga parating ni Henry Tan?

***

Congratulations kay BOC-NAIA district Collector Ed Macabeo sa sunod-sunod na huli ng illegal drugs sa NAIA.

Go! Go! Go CUSTOMS-NAIA!

Congratulation din kay Presidential adviser for OFW na si Lex Taliones Dabs Mamao, kuya siya ng bestfriend ko na si Raymond Mamao ng BOC-NAIA.

Keep up the good work Sir!

***

Binabati rin natin ang mga tauhan ni BOC DepComm Ariel Nepomoceno sa Cebu sa pangunguna ni ESS CEbu Capt. Rolly Garcia na nakasakote ng isang Chinese drug courier kamakailan.

Mabuhay kayo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *