MARAMING text messages ang kumakalat ngayon sa Bureau of Customs na hindi dapat patulan ng bagong customs administration without verifying or validating the issue.
Una, baka naman may personal na galit o paninira lang ito sa isang customs official.
Kung noon raw ay inaalam muna ang katotohanan ng ganitong mapanirang text ay parang iba na ngayon dahil parang guilty ka na agad.
Patay kang bata ka!?
Kaya hindi maiwasan na sumama ang loob ng mga subject o biktima ng mapanirang text.
Basta nai-text ka sa OCOM ay giba na ang future mo at hindi mo na maidepensa ang sarili mo.
By the way, demorasilado raw ngayon ang BOC rank & file employees dahil parang ang trato sa kanila ay ibon at hindi tao?
Kapag nagkamali ka raw ay madededo ka na?
Hindi naman daw sila drug lord o pusher para tratuhin na parang kriminal.
Sila’y mga professional at career officers sa ating gobyerno na kung may pagkkamali ay may karapatan naman sa due process ng ating batas.
Oo nga naman… is killing the answer for reform?
‘Yan yata ang uso ngayon?!
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal