ITO ngayon ang mga kumakalat at napakaraming naglalabasan na text messages laban sa ilang mga tiwali o corrupt umano na taga-Customs pero wala naman basehan kung totoo ito o hindi.
Kapag tinawagan ang texter, hindi naman sumasagot to verify the issue na baka naman may personal na galit lang sa customs official na itinuturing may tago o ilegal na yaman.
Ang text brigade ay naka-attention pa or address to the Department of Finance (DOF), Office of the Commissioner (OCOM), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
For them to check and to validate ang mapanirang text messages ay dapat munang pag-aralan mabuti ng concern agencies.
Sa customs intelligence official na subject ng text brigade mas makabubuti siguro na magpa-voluntary lifestyle check para malinis na agad ang kanyang pangalan.
Tiyak marami pang negatibong TEXT messages ang lalabas sa mga darating na araw na maaaring makasira sa kanyang personalidad.
Ang balita ay nagpatawag na ng isang meeting si Customs Commissioner Nick Faeldon sa mga subject sa text messages to discuss BOC reform agenda para sa kanila.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal