Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoys haharap sa Chinese Taipeh sa Davis Cup

BABANDERA si Treat Huey ng Filipinas sa Davis Cup ngayon, Hulyo 15 hanggang Hulyo 17 sa Philippine Columbian Association (PCA) shell-clay courts sa Paco, Maynila.

Malinaw na nakalalamang sa koponan ni Huey na Cebuana Lhuillier-Philippine Davis Cup team sa laban nito kontra Chinese Taipei, na tatlong beses nang tumalo sa mga Pinoy tennis players.

Pero ayon kay nonplaying Pilipinas team captain Karl Santa-maria, lamang ang mga Pinoy dahil sa mas malawak na karanasan.

“Their top player (Chen Ti) is ranked 226th sa singles at 140th sa doubles,” ani Santamaria sa Philippine Sportswriters Association forum sa Shakey’s Malate.

“But our edge would be our experience though it will come down to execution on game day and catching the breaks,” pagbawi niya. Bukod kay Huey, makakasamang lalaban para sa Filipinas sina Ruben Gonzales, Francis casey Alcantara at Jason Patrombon.

Namayagpag kamaka-ilan si Huey sa Winbledon semifinals habang sina Gonzales, Alcantara at Patrombon ay nagpakitang gilas din sa Hong Kong at France. Si Gonzales ang International Tennis Federation (ITF) France Futures 13 doubles champion.

“This will be a revenge match and we have the home court advantage against our opponents,” ani Huey at Alcantara.

“We are in Group 2 and our aim is to reach Group 1. Basta ngayon, babawi kami,” dagdag nina Gonzales at Patrombon.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …