MAHIGIT 3,000 katao mula sa 20 bansa ang naghubo’t hubad at nagpapinta ng asul sa kanilang katawan para lumahok sa mass human artwork sa Hull.
Nagtipon-tipon dakong madaling-araw ang mga modelong nagpapinta ng iba’t ibang shades ng blue body paint bilang pagdiriwang sa maritime heritage ng lungsod.
Nag-pose sila sa serye ng ‘installations’ sa ilang makasaysayang lokasyon ng Hull, kabilang sa dating Queens Dock, ngayon ay city centre park, sa Guildhall, at sa Scale Lane swing bridge.
Ayon sa council, ang event ay nakahikayat nang mas maraming mga tao kaysa nakaraang UK projects ng artist na si Spencer Tunick sa Gateshead noong 2005, at sa Salford noong 2010.
Ang obra na kinomisyon ng Ferens Art Gallery, ay magiging kabilang sa ‘highlights’ sa susunod na taon sa Hull bilang UK City of Culture.
Sinabi ni Kirsten Simister mula sa gallery: “When we announced this back in March we were excited but we had no idea how many people here would respond.
“It took off like a rocket from day one with an overwhelming number of people signing up.”
Sinabi ni New York-based Tunick: “It’s always wonderful to see the various-sized people covered in paint walking through the streets of a city I admire.”
Kabilang sa nakibahagi, si Natasha Porter, ay lumahok na sa nakaraang Tunick project.
Pahayag niya sa Sky News: “This was an amazing experience. It was on such a bigger scale than I’ve ever done before.
“It’s like being part of a surreal dream.”
Habang pahayag ng isa pang kalahok na si Hannah Savage: “It was my first time and it was in my home city, so for me it wasn’t just a perspective of being nude and being part of an art work, it was also seeing Hull in a totally new way…
“Just this beautiful tidal wave of painted people. It was incredible.”
(SKY NEWS)