DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport nitong madaling-araw ng Linggo ang Filipino kidnap-for-ransom gang leader makaraan maaresto sa Thailand.
Ayon sa ulat, ang sinasabing KFR gang mastermind na si Patrick Alemania ay naaresto nitong nakaraang linggo ng mga elemento ng Royal Thai Police at Philippine National Police-CIDG sa Bangkok.
Nadakip ng mga awtoridad si Alemania sa Romklao District habang nagtatrabaho bilang English teacher at part-time band member.
Ayon sa impormasyon ng CIDG, si Alemania ay konektado sa Fakardo KFR group na ang target ay high-profile cases sa Filipinas.
Agad isinakay ang nakaposas na si Alemania sa isang police vehicle makaraang dumating sa NAIA at dinala sa Camp Crame para ikulong.