ANG bagong Commissioner of Customs, Nick Faeldon ay nagbigay na ng kanyang mensahe sa mga empleyado at opisyal nitong nakaraang Lunes, July 04 sa flag ceremony sa Port of Manila na ang welfare umano ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) ang kanyang sisilipin at aayusin.
Hiningi niya ang kanilang tulong to reach the goal of changes sa Bureau of Customs. Nabanggit niya ang ilan mga sumbong na he needs to validate muna at pati ang contract ng contractuals ay nasilip niya.
Dahil karamihan sa kanila ay mas malaki pa raw ang suweldo kaysa taga-Customs na dapat i-justify muna ng recommending office/officer in charge why they need them.
Sa kasalukuyan ay wala pa ang mga papalit na mga top official ni President Digong sa mga sensitive position sa Customs, still awaiting their appointment from the Office of the President.
Kaya binigyan pa ng one month extension ang mga dating nakaupong opisyal na ipagpatuloy muna ang kanilang function hangga’t wala pang mga kapalit.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal