NILIKHA ng isang British firm ang pabango na ang amoy ay katulad ng surface ng comet.
Ang samples ng aroma ng 67P/Churyumov-Gerasimenko, na nilanghap ng Philae lander sa Rosetta mission, ay nakatakdang ilabas sa isang event sa London.
Ngunit maaaring hindi n’yo ito iwisik sa iyong katawan sa big date dahil ito ay katulad ng amoy nang nabubulok na itlog, ihi ng pusa at bitter almonds.
Sinabi ni Jacob Aron ng New Scientist, nagpalabas ng sneak preview ng pabango: “I almost feel the smell as a physical presence inside my skull.
“The full heft of 67P’s bouquet hits me in the face. Surprisingly, it’s not actually as foul as my first impression led me to believe – somehow a few floral notes are now coming through.”
Ang pabango ay kinomisyon ni Colin Snodgrass mula sa Open University sa Milton Keynes, at nilikha ng The Aroma Company.
Ang amoy ay nagmula sa presensiya ng hydrogen sulphide, ammonia at hydrogen cyanide – ngunit dahil ang ilan sa nasabing mga kemikal ay nakalalason, nag-improvise ang creators para mabuo ang nasabing pabango.
Ang compounds ay na-detect mula sa Philae lander, na lumapag sa comet noong Nobyembre 2014 – mahigit isang dekada makaraan umalis sa Earth.
Halos nakompleto na ng New Scientist’s ang ilang eksperimento, ngunit nawalan ng power dahil ang solar-driven batteries ay nasa lilim.
Muling nagkaroon ng power noong Hunyo habang palapit ang comet sa araw, kaya nagkaroon ng pag-asa ang mga siyentista na maaaaring makompleto ng lander ang ilang eksperimento.
Ngunit noong Pebrero, sinabi ng German Aerospace Center (DLR), ang Philae ay maaaring natatakpan na ng mga alikabok at maaaring masyadong malamig para makapag-operate.
Ang samples ng comet’s scent ay nakatakdang ipamahagi sa Royal Society summer exhibition sa London. (SKY NEWS)