NAGSASALITA na sa British accent ang isang Texas woman makaraan maoperahan sa kanyang panga nang ma-diagnose sa rare neurological disorder.
Si Lisa Alamia, may tatlong anak at naninirahan sa Rosenberg, ay sumailalim sa operasyon upang maiwasto ang ‘overbite’ ngunit humantong ito sa pagbabago ng kanyang pagsasalita.
Isinailalim siya ng kanyang neurologist na si Dr. Tobby Yalto sa sa serye ng mga pagsusuri, ngunit hindi nagawang madetermina kung ano ang naging sanhi ng kanyang kondisyon, kilala bilang foreign accent syndrome.
Kukulangin sa 100 katao sa buong mundo ang nagkaroon ng kondisyong ito sa nakaraang siglo, ayon sa Houston Methodist Sugar Land Hospital.
Sinabi ni Ms. Alamia sa KHOU TV: “I didn’t know the reaction I was going to get from people. So I didn’t know if they’re going to judge me.
“Are they going to think I’m lying or even understand how I’m speaking?”
Sa simula, nilibak siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang bagong accent, sa pag-aakalang siya ay nagbibiro lamang.
Dagdag niya: “People who don’t know me, they’re like ‘hey were are you from? I’m from Rosenberg’. They’re like ‘where is that?’ I’m like ‘right here in Rosenberg’. ‘Oh you’re from here how do you talk like that?’
“‘Mum’ is probably the one word I notice right away. ‘Kitten’ (is another). They think I’m talking about a baby cat. I’m not. I’m saying, ‘I’m just kidding’.”
Umaasa si Ms. Alamia, sumailalim sa operasyon anim buwan na ang nakararaan, na babalik din sa normal ang kanyang pagsasalita.