Friday , November 15 2024

Sa CamSur: Mag-asawa, 2 apo patay sa nasunog na hardware

NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang dalawang bata sa nangyaring sunog sa

isang gusali sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay Fire Chief Insp. Ramon Gregorio mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Sipocot, pasado 8:30 am kahapon nang makuha ang bangkay ng dalawang bata na si Shubie, 14, at Alexie Espiritu, 12, na-trap sa nasunog na An-An Marketing.

Natagpuan aniya ang bangkay ng mga bata sa loob ng comfort room.

Ayon kay Gregorio, hindi na makilala ang mga bata dahil sa labis na pagkasunog.

Unang narekober ng pulisya ang bangkay ng mag-asawang Antonio at Alice Lipiao pasado 7:00 am.

Nabatid na isang hardware ng mga pintura, thinner, plywood at iba pang combustible at flammable products ang laman ng nasunog na gusali.

3 PASLIT NALITSON SA CAPIZ

ROXAS CITY – Patay ang tatlong paslit na magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Molet sa bayan ng Jamindan, Capiz kamakalawa ng gabi.

Bangkay na nang madatnan ng ama na si Angeles Padua ang tatlong menor de edad na anak sa loob ng kuwarto makaraan siyang umalis sandali para bumili ng babauning manok.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Jamindan, nagmula ang apoy sa sirang saksakan ng koryente.

Napag-alaman, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang ina ng mga bata at tanging ang ama lamang nila ang kasama sa bahay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *