Friday , November 15 2024

Nat’l ID system itinutulak ni Trillanes

INIHAIN ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 95 na magtatatag ng national ID system.

Tinatawag na Filipino Identification System bill, ang panukala ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng ID system sa gobyerno sa iisang national ID system.

Sa ilalim ng sistemang ito, magbibigay ang pamahalaan ng Filipino Identification card na magsisilbing pagkikilanlan ng lahat ng Filipino, nakatira man sa loob o labas ng bansa, at maaaring magamit sa mga transaksiyon sa gobyerno.

Ayon kay Trillanes, “Sa huli, ang panukalang ito ay makatutulong sa gobyerno na makapagbigay nang mas maayos na serbisyo. Mas mapagtitibay din nito ang ating kampanya laban sa krimen at terorismo. Sa pagkakaroon ng iisang database, magkakaroon tayo nang mas mabilis na pagkukunan ng impormasyon ukol sa mga kriminal. Higit pa rito, mababawasan din ang mga leakage sa pagbibigay ng social services, nangunguna na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”

Ayon sa panukalang ito, ang Filipino ID ay gagawing tamper-proof na mayroong larawan ng may-ari at mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, kaarawan, kasarian, lagda, serial number na itatalaga ng Philippine Statistics Authority, at iba pang mahalagang impormasyon. Kalakip din nito ang biometric data ng may-ari. Walang dapat bayaran ang mga Filipino sa inisyal na pagkuha ng Filipino ID.

Bukod sa panukalang ito, nagsumite rin si Trillanes ng iba pang mahahalagang panukala tulad ng bagong Salary Standardization bill; pagtataas ng SSS pension; pagtatalaga ng Philippine archipelagic sea lanes; pagtukoy sa Philippine maritime zones; Freedom of Information; pagpapatibay ng Hotline 117; pagtataas ng old-age pension ng mga retiradong sundalo at ibang pang uniformed personnel; at ang bagong comprehensive nursing bill.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *