ANG kusina ang bahagi ng bahay na kung saan iniimbak, inihahanda at iniluluto ang mga pagkain, at ang larder ay kung saan itinatabi o iniimbak ang mga pagkain. Sa mga lugar na ito nasasagap ng mga pagkain ang ilan sa chi energy na dati nang naroroon.
Samakatuwid, mahalagang ang inyong kusina ay nagtataglay ng healthy chi, dahil kakainin n’yo ang ilan sa mga enerhiyang ito.
Ito ay maaaring magkaroon nang bahagyang impluwensya sa iyong kalusugan sa kalaunan, dahil ang prosesong ito ay may cumulative effect.
Narito ang mga hakbang upang makabuo ng healthy chi sa inyong kusina at larder.
* Tiyaking ang kusina ay madaling linisin at hindi palaging basa at walang stagnation.
* Tiyaking ang kusina ay naiilawan nang sapat na natural light at napapasukan ng sariwang hangin.
* Kung makapipili ng kuwarto, gamitin ang room sa east o south-east part ng iyong bahay upang ito ay masikatan ng rising sun. Sa lugar na ito ang cooker at lababo ay kapwa nasa harmony sa ambient wood chi ng nasabing mga direksyon, sa punto ng limang elemento.
Ang tubig sa lababo, washing machines o dishwashers ay kaakibat ng water chi, at ang cooker ay sa fire chi, na makabubuo ng supportive cycle na water-wood-fire.
ni Lady Choi