UMAKYAT na ang bagyong Nepartak sa typhoon category o isang malakas na bagyo.
Batay sa ulat ng Pagasa, umaabot na sa 120 kph ang taglay nitong hangin at may pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
Aasahan ang matinding buhos ng ulan sa loob ng 300 kilometrong diametro ng bagyo.
Sa ngayon, unti-unti nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Nepartak na tatawagin bilang bagyong Butchoy na ikalawang sama ng panahon para sa taon 2016 sa ating bansa.
Sa Biyernes ang inaasahang pinakamalapit nitong lokasyon sa Filipinas, partikular sa Northern Luzon.