Monday , December 23 2024

Taas-sahod ng pulis inihain sa Senado

INIHAIN na sa Senado ang panukalang humihiling na itaas ang sahod ng mga tagapagpatupad ng batas sa bansa, partikular ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, ito ang isa sa mga pangako na kanyang binitiwan nang tumakbo siya sa pagka-bise presidente bilang katambal ng noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

Kilala bilang Philippine National Police Compensation Act of 2016, sinabi ni Cayetano, layunin ng panukala na itaas ang minimum salary at allowance ng mga tauhan ng PNP.

Sakaling maisabatas, makatatanggap ang pulis na may pinakamababang ranggo, ng gross minimum pay na P50,530 kada buwan, kasama na ang benepisyo at allowance.

Iginiit ng senador, ito ay kabilang sa siyam na panukala na pasok sa “reform package measure” na magdudulot nang tunay na pagbabago sa lipunan, na ipinangako ng Duterte-Cayetano tandem noong panahon ng eleksiyon.

“It is not enough that we punish and remove corrupt cops from the service. Without just compensation, crime and corruption will only seduce what is left of the government’s honest, yet, impoverished police personnel,” pahayag ni Cayetano.

Aniya, ang basic salary ng isang police officer 1 (PO1), ang pinakamababang ranggo sa PNP, ay P14,834 na malayo sa ideal monthly living wage na P27,510 para sa isang empleyado na may limang miyembro sa pamilya.

“This bill seeks to double the current base pay of the lowest ranking police from P14,834 to P26,668 and increase its monthly allowances and other benefits from P7,862 to P20, 862. Upon the passage of this Act, the minimum monthly gross pay of PO1 will amount to P50,530,” ayon kay Cayetano.

Binigyang-diin ni Cayetano, mahalagang agad maisabatas ang naturang panukala upang hindi lamang maging epektibo ang pulisya na masawata ang krimen sa bansa kundi mailayo rin sila sa katiwalian.

( CYNTHIA MARTIN )

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *