Saturday , November 23 2024

Pusang si Browser hinayaang manatili sa Texas Library (Desisyon binaliktad ng Texas town council)

BOMOTO ang Texas town council para hindi mapatalsik ang pusa mula sa local library, binaliktad ang kanilang naunang desisyon, nagbabasura sa posibleng ‘cat-astrophe.’

Makaraan batikusin nang galit na cat lovers, inirekonsidera ng White Settlement town council ang 2-1 decision na nagpapatalsik si Browser mula sa library at bomoto ‘unanimously’ para mahayaang manatili ang pusa, ayon kay WFAA reporter Lauren Zakalik.

Si Browser ay kilala ng library patrons at mga empleyado sa nakaraang limang taon ngunit ilang opisyal ang nagsulong nang pagpapatalsik sa pusa, tinukoy ang allergy at kaligtasan, ayon sa Tyler Morning Telegraph.

Sinabi ni Mayor Ron White, isang non-voting council moderator sa ilalim ng city charter, sa Fort Worth Star-Telegram, ang krusada laban kay Browser ay nagsimula sa simpleng pagkakamali sa City Hall. Sinasabing isang city employee ang nagalit nang hindi payagang isama ang kanyang alaga sa trabaho, at sinimulan ang kanyang ‘anti-cat fuss’.

“We’ve had that cat five years, and there’s never been a question,” ayon kay White, isang Browser supporter. ”That cat doesn’t have anything to do with whether somebody can have their puppy at City Hall. That cat doesn’t hurt anybody. … The council just went out and did this on their own because they don’t like cats.”

Bunsod nang nasabing boto, ilang linggo na ang nakararaan para mapatalsik si Browser, ang nasabing pusa ay naging ‘international cause celebre’.

Sinabi ni Council member Jim Ryan sa special meeting, personal siyang nakatanggap ng 1,394 messages sa nakaraang ilang linggo mula sa Estados Unidos, gayondin mula sa Germany, Australia, Malaysia, Guam at Italy.

“All were in support [of Browser]” aniya.

Ang boto na nagpapahintulot kay Browser na manatili ay ikinatuwa ng mga tagasuporta.

Nagpahayag ng pangamba si Council member Elzie Clements na ang presensiya ng pusa ay posibleng maging problema sa mga taong may allergies.

Sinabi ni Lillian Blackburn, presidente ng Friends of the White Settlement Public Library, ang mga taong may allergies ay maaaring tumawag muna upang pansamantalang ilayo ang pusa kung sila ay bibisita. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *