NAILIPAT na ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula kay Supt. Joel Pagdilao patungo sa bagong hepe na si Senior Supt. Oscar Albayalde nitong Lunes.
Sa change of command ceremony, nagbabala si Albayalde na bawal na sa hanay ng NCRPO ang mga pulis-ABAKADA o mga kawaning abusado, bastos, kotongero at duwag.
Tinaningan din niya ang mga tauhan upang patunayan ang kanilang sarili.
“Ang marching orders ko sa kanila, all the stations and chiefs of police are given one month only to prove their worth. The district directors are given three months to also prove their worth,” aniya pagkatapos ng seremonya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Nangako rin si Abayalde na sisikapin ng NCRPO na gawing mapayapa ang Metro Manila tulad ng Davao City, na pinamunuan nang 22 taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.