Friday , November 15 2024

CPP-NPA tumugon sa anti-drug campaign (Proseso kinikilala ng palasyo)

INIHAYAG ng Communist Party of the Philippines, muli nilang iniutos sa New People’s Army ang pagdis-arma at pag-aresto sa drug lords bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“In positive response, the CPP reiterates its standing order for the NPA to carry out operations to disarm and arrest the chieftains of the biggest drug syndicates, as well as other criminal syndicates involved in human rights violations and destruction of the environment,” pahayag ng CPP nitong Sabado.

Dagdag ng CPP: “The NPA is ready to give battle to those who will resist arrest with armed violence.”

Samantala, inilinaw ng CPP, wala silang “kangaroo court,” at sinabing inirerespeto nila ang “right to due process” ng mga suspek sa krimen.

Sa kanyang talumpati sa ‘change of command ceremony’ sa Armed Forces of the Philippines nitong Biyernes, hiniling ni Duterte sa NPA na patayin ang drug personalities.

“Well, nakikinig naman ‘yung mga NPA, nasa puwesto pa naman kayo. Ano kaya ‘yung korte nito, I don’t know if it’s a kangaroo or otherwise, patayin na lang ninyo para mas madali na masolusyonan ang problema natin,” aniya.

Sinabi ng CPP, matagal na nilang ipinatutupad ang kampanya laban sa paggamit ng droga at drug trafficking at gumagamit ng armed violence laban sa “biggest traffickers of illegal drugs.”

“It carries out a cultural revolution among the masses in order to encourage them to reject drug use and instead wage collective struggle,” dagdag ng CPP.

Bago maupo sa puwesto si Duterte, isinulong na nina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front.

PROSESO NG NPA KINIKILALA NG PALASYO

KINIKILALA ng Palasyo ang ipinatutupad na proseso ng New People’s Army (NPA) sa pagtukoy sa mga sangkot sa ilegal na droga bago nila ilikida o patawan ng revolutionary justice.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa pagtanggap ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang armadong grupong NPA na lumahok sa operasyon laban sa ilegal na droga.

Iginiit ni Abella, daraan sa proseso ng NPA ang pagtalima sa paanyaya sa kanila ni Duterte na sumali sa illegal drugs operations.

“Susundan po ‘yung tamang proseso. Meron po silang proseso,” ani Abella.

“So, kumbaga po, ‘yung sinasabi niya (Duterte), kumbaga kinikilala niya na meron din silang karapatan in order to be able to combat the whole war on drugs, the whole war on drugs.  So, ang sinasabi ko po’y, kung ano man ang mangyari, it will still go to a process. Hindi naman po ito basta free for all. Ang sinasabi lang may proseso. In other words, ini-enlarge lang po ‘yung pamamaraan nang paghinto sa droga,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *