Monday , December 23 2024

Cargo, private planes aalisin na sa NAIA

Narito pa ang isang tiyak at espesipikong mag-isip, si incoming Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ang daming general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nagdaan pero walang nakaisip na ilipat ang cargo and private planes sa labas ng Metro Manila.

Isang paraan talaga ‘yan para i-decongest ang air traffic sa NAIA at traffic sa Metro Manila.

Sabi nga, hindi kailangan ng isang henyo para solusyonan ang isang ‘batayang’ suliranin.

Common sense lang ang kailangan.

At mukhang ganyan mag-function ang Duterte administration.

Kasi nga hindi nila kailangan tumanaw ng utang na loob dahil lahat ng tumulong sa kanila noong eleksiyon ay nakahanda rin tumulong para isulong at ipatupad ang sinasabi nilang tunay na pagbabago.

Hindi pa man opisyal na nag-uumpisa sa kanyang tungkulin ay nagtrabaho na agad si Secretary Tugade.

Kung hindi tayo nagkakamali ay marami nang nakausap na air charter, air cargo, aviation training, aircraft maintenance, at corporate flight operations ang bagong Kalihim.

Tinatrabaho na nila ngayon ‘yung mga lugar na puwedeng paglipatan nito gaya sa Sangley Point sa Cavite, sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas at sa Clark sa Angeles, Pampanga.

Sabi nga ni Secretary Tugade, “Magkakaroon ka ng additional aviation space, 18 to 22 percent, alisin mo ‘yan. Napakalaki ho niyan.”

Kapag nangyari  ‘yan makikita natin kung gaano kalaki ang iluluwag ng trapiko sa Metro Manila.

Mag-iisyu ang Department of Transportation ng abiso sa general aviation operators sa loob ng unang 100 araw niya sa tanggapan.

Aniya, “You will give them enough time to move out. Hindi naman puwedeng sabihing bukas alis na kayo. I have to give them also an alternative place to go to.”

Ngayon pa lang, nakikita na natin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng “action man.”

Maaaring ang gabinete ni Pangulong Digong ay pawang puti na ang buhok kung hindi man ‘salt & pepper’ pero ‘yun ay nagpapakita lang ng kanilang mga makabuluhang karanasan na nga-yon ay iaambag nila sa isinusulong na tunay na pagbabago.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *