Friday , November 15 2024

Tax exemption sa P30K-wage earners prayoridad ng Senado

PRAYORIDAD ng ilang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang paghahain ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng tax exemption ng mga empleyado na tumatanggap ng P30,000 o mas mababa.

Ayon kay Senadora Nancy Binay, sa pagbubukas ng 17th Congress, ito ang tamang panahon para sa middle income na mabawasan ang binabayaran nilang buwis.

“Ito na po ang panahon na mabigyan natin ng kaginhawaan at seguridad ang marami nating mga kababayan na kumikita ng P30,000 pababa,” ayon kay Binay.

“Maluluwagan na ng maraming mga manggagawa at empleyado ang kanilang mga sinturon sa mga pang-araw-araw na pangangailangan,” ayon sa mambabatas.

Binigyang-diin ng Mambabatas, halos anim milyong public at private employees ang nanindigan na dapat alisin na ang tax sa mga empleyado na kumikita ng P30,000 kada buwan pababa.

“Makapag-uuwi na ang mga manggagawa at mga empleyado nang mas maraming pagkain para sa kanilang pamilya, mas marami na silang mabibiling bagay-bagay,” diin ni Binay.

Sa sandaling makapasa ang panukala, magiging maginhawa na ang buhay ng pamilyang may dalawa o tatlong anak.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *