Saturday , November 23 2024

Goodbye PNoy welcome Digong!

NGAYONG araw, sasalubungin ni outgoing president Benigno “Noynoy” Aquino III, ang opisyal na presidente ng Republika, si President Rodrigo “Rody/Digong” Duterte.

Opisyal siyang itatalaga bilang ika-16 na presidente ng bansa sa loob mismo ng makasaysayang Palacio de Malacañan.

Isang simpleng inagurasyon ang pinili ng bagong Pangulo na tatanggap ng mahigit 600 bisita. Payak na payak maging sa mga ihahaing pagkain.

Kung mayroon pa rin nagdududa kay Presidente Digong, palagay natin ay maliit na porsiyento na lang ‘yan at karamihan sa kanila ay ‘yung mayroong vested and personal interests na alam nilang hindi mapapaboran.

Sana ay ganito rin ang isip at damdamin ng lahat ng mga itinalagang opisyal ni Presidente Digong.

Sana’y kasing talas din niyang mag-isip at makiramdam ng mga taong itinalaga niya para makasama sa pag-ugit ng pamahalaan sa temang “change is coming.”

Sabi nga, tanging ‘yung bininyagan sa pangalang Perfecto lamang ang puwedeng tawaging perpekto, pero puwede namang abutin ‘yung ganoong antas kung sisikapin, ‘di po ba?

Ilang linggo pa bago ang inagurasyon ay dumagsa na sa Davao ang mga gustong makadikit at makasungkit. Uulitin lang po natin, malamang sila ‘yung sandamakmak ang vested at personal interests.

Maraming napahiya at luhaang nagbalik sa Maynila pero sabi nga mayroon pa ring makakapal ang mukha na nagpupumilit sumiksik o kaya ‘kumabit’ sa mga itinalaga ni Presidente Digong.

At ‘yun ang sinasabi natin.

Marami sila, hindi lang iilan, kaya dapat talagang mag-doble ingat si Presidente Digong.

Manatili sana kayong matalino, mapagbantay at matalas ang pakiramdam bilang proteksiyon sa inyong sarili habang kayo po ang nakaupo diyan sa Malacañan.

Anyway, congratulations & God bless, Mr. President!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *