Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent natagpuang patay sa gusali ng Makati

MAKARAAN ang tatlong araw, natagpuang patay ang isang call center agent sa 5th level basement ng isang gusali sa Hernandez Street, San Lorenzo Village sa Makati City dakong 3 p.m. nitong Lunes.

Sa imbestigasyon ng Makati PNP, lumalabas na 9:30 p.m. noong Hunyo 24 ay namataan ng anak ng caretaker ng gusali na si Regine Dioleste, na pumasok nang walang paalam si Lorenzo Peña, 22, sa lugar.

Bunsod nito, nagpatawag ng mga opisyal ng barangay ang caretaker para hanapin si Peña sa loob ng gusali.

Ayon sa spot report ng pulisya, hindi nakita si Peña noong gabing iyon ngunit natagpuan ang ID niya sa loob ng isa sa mga stock room ng gusali.

Dito nakuha ng caretaker na si Percival Diolete ang emergency contact number ni Peña.

Tinawagan ni Diolete ang ama ni Peña na si Arthur para ipagbigay-alam na nag-trespassing ang kanyang anak ngunit agad din nawala.

Hapon ng Hunyo 27, tinungo ni Arthur Peña kasama ng security ng San Lorenzo Village, ang gusali para hanapin ang kanyang anak.

Sa 5th level basement nila nakita ang bangkay ni Lorenzo Peña na lumulutang sa may limang talampakang taas na baha.

Positibong kinilala ni Arthur Peña ang kanyang anak. Parehas ang suot ni Peña sa suot niya noong gabing huli siyang nakitang papasok ng opisina sa Makati.

Natagpuan din sa katawan ni Peña ang mga personal niyang gamit, kabilang ang dalawang cellphone, wallet, pera, iba’t ibang ID at isang fan knife o balisong.

Dinala na ang katawan ni Peña sa Evergreen Funeral Parlor sa Pasig City para sa awtopsiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …