Sunday , December 22 2024

‘Kultura ng Karahasan’

KAHIT paulit-ulit marahil na maganap ay hindi ako masasanay sa mistulang ‘kultura ng karahasan’ na unti-unting bumabalot sa ating kapaligiran.

Hindi maitatanggi na maraming problema ang ating lipunan lalo na kung ang paglaganap ng krimen ang pag-uusapan.

Sampung araw pa lamang ang nakalilipas nang pagbabarilin ng apat na lalaki ang isang pulis na nakatalaga sa Presidential Security Group at ang kanyang pamangkin. Nag-ugat lang ang alitan nila sa masamang titigan.

Patuloy ang pananambang ng mga “riding-in-tandem” sa kanilang target, at kahit mga kapatid ko sa hanapbuhay bilang taga-media ay hindi nila pinaliligtas.

Naglipana ang mga kawatang lansangan tulad ng mga holdaper, snatcher, mandurukot at mga naglalaslas ng bulsa o bag.

May mga babaeng pasahero ng taxi na ninanakawan at ginagahasa ng mismong taxi driver.

Kabi-kabila ang mga nagbebenta ng bawal na droga at may mga lugar na hayagan pa raw ang pagtitinda nito, kahit na naghihigpit ang pulisya.

Sa kabila ng mga krimeng ito, hindi ko makasasanayan na makita na parang natutuwa ang lahat kapag pinapaslang ang mga suspek matapos silang mahuli nang dahil sa droga at iba pang paglabag sa batas.

Maaalalang ang isa sa dalawang suspek sa panggahasa sa loob ng kolorum na van ay nang-agaw umano ng baril kaya napatay ng pulis.

Sa loob lamang ng 36 araw mula Mayo 10 hanggang Hunyo 15 ay 29 na suspek sa droga ang napatay, ayon mismo sa Philippine National Police (PNP).

Itinanggi ng PNP ang alegasyon na ang isinasagawa nilang police operations laban sa bawal na gamot ay bahagi ng ‘pagwawalis’ umano nila sa mga sindikato, upang pigilan ang kanilang mga tauhan na magbunyag  ng impormasyon kaugnay ng mga opisyal ng pulis na sangkot sa bawal na droga.

Kriminal man o hindi ang inaresto ng mga pulis, ang tanong ay kung katanggap-tanggap ba sa lipunan ang agarang pagpatay sa mga tao at makitang dumanak ang kanilang dugo? Sadista na ba ang karamihan?

Parang hinatulan ang mga suspek ng kamatayan nang hindi dumaraan sa lehitimong proseso upang matukoy kung sila nga ay nagkasala.

Kung tutuusin, ang mga pulis ay nagsanay sa pamamaril at puwedeng paputukan ang suspek sa ibang bahagi ng katawan kung halimbawang lumaban, nang hindi sila pinapaslang.

Pero may mga iba naman na pumapatay ng mga suspek para lamang magpakitang-gilas sa susunod na Pangulong Rodrigo Duterte na puwede silang asahan na makipagsabayan sa gusto ng susunod na presidente.

Oo nga’t mahigpit na pakikipaglaban sa kriminalidad ang inaasahan mula kay Duterte. Pero hindi pa siya ang nakaupong pangulo at naniniwala akong wala siyang kaugnayan sa sunod-sunod na pamamaslang.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *