Sunday , December 22 2024

Barangay officials sabit sa droga – Guanzon (Eleksiyon dapat ituloy)

IGINIIT ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, dapat nang ituloy ang halalang pambarangay ngayong taon.

Ang pag-alma ni Guanzon ay kasunod nang panukala ni Comelec Chairman Andres Bautista na dapat ipagpaliban ang halalan dahil katatapos lamang ng national elections.

Una nang sinabi ni Bautista, nagkawatak-watak ang bansa dahil lamang sa halalan kaya kailangan nang panahon upang paghilumin ang mga sugat na iniwSan ng politika.

Ngunit hindi ito nagustuhan ni Guanzon, dahil sariling posisyon aniya ito ni Bautista at hindi ng Comelec en banc.

Para kay Guanzon, nasa batas na dapat ay may halalan sa buwan ng Oktubre at tungkulin ng Comelec na ito ay ipatupad.

Mas maigi aniyang ituloy ito dahil nasa  momentum ang bansa na maghalal ng mga bagong opisyal mula noong buwan ng Mayo.

Aniya, maraming barangay officials ang nasasangkot sa ilegal na droga kaya nararapat lamang na palitan na.

Habang aminado ang opisyal ng Comelec na ang kanyang pinanghahawakan na impormasyon ay batay sa intelligence report.

Nitong nakalipas na mga araw may ilang napatay na barangay chairman at kabilang sa anggulong iniimbestigahan ang isyu sa ilegal na droga.

Barangay Kagawad itinumba

UNISAN, Quezon – Binawian ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Maputat ng bayang ito kamakalawa.

Natadtad ng bala ang biktimang si Edison Fernando Leopoldo, 37, barangay kagawad ng nasabing lugar, agad isinugod sa pagamutan ngunit nalagutan ng hininga.

Habang tinamaan ng ligaw na bala sa tuhod si Domer Vilon Parco, 38, residente ng Brgy. Mabini ng nasabing lugar.

Sa ipinadalang report ng Unisan PNP sa Camp Guillermo Nakar, sa tanggapan ni Supt. Eugenio B. Paguirigan, Quezon PNP Provincial Director, nangyari ang insidente dakong 9:30 pm habang idinaraos ang kapistahan ng Brgy. Maputat.

Nakaupo ang biktima at naglalaro ng baraha malapit sa basketball court nang biglang dumating ang suspek na nakamaskara saka siya pinagbabaril. Minalas na tamaan ng ligaw na bala sa tuhod si Parco.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima, naglakad palayo ang suspek bitbit ang 9mm baril.

Ayon sa ulat, ang biktima ay no.2 top drug personality sa munisipalidad.

Raffy Sarnate

9 huli sa Oplan Galugad sa Makati

SIYAM ang nahuli ng pulisya at mga opisyal ng barangay sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Brgy. East Rembo, Makati nitong Sabado ng gabi.

Apat sa mga dinampot ang nahulihan ng ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Lima ang lumabag sa ordinansang panlungsod na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Nahaharap sa parusang P1,000 multa at tatlong araw na pagkakakulong ang mga lumabag sa ordinansa sa unang opensa; P1,500 multa at isang linggong pagkakakulong sa ikalawang paglabag; at P2,000 multa at isang buwang pagkakakulong sa ikatlong opensa.

Tiniyak ni Supt. Alex Fulgar ng Makati police, tuloy-tuloy ang kanilang paghuli sa mga lumalabag sa city ordinances gayondin sa mga nagtutulak at gumagamit ng droga sa lungsod.

2 tulak ng droga todas sa buy-bust ops sa Bacoor

PATAY ang dalawang drug suspects sa buy-bust operation na inilunsad ng PNP sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng mga pulis ang mga napaslang sa alyas na Onyok at Totoy.

Ayon sa mga awtoridad, nanlaban ang mga suspek nang makorner sila sa Camella North Springville subdivision sa Bacoor City.

Arestado rin sa naturang operasyon ang hinihinalang drug pusher na si Saturnino Majiko at limang suspek na naaktohang gumagamit ng droga.

Narekober sa mga suspek ang dalawang baril, tatlong sachets ng shabu, cash at drug paraphernalia.

Umabot sa 93 tao na may kinalaman sa droga ang namatay sa mga operasyon ng PNP, at 18,000 drug suspects ang naaresto mula Enero hanggang Hunyo 20.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *