Thursday , April 17 2025

Tulak todas sa 4 maskarado

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakamaskara sa Muntinlupa City nitong Martes ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marlon Oliva, alyas Marlon Tulak, 37, ng Mullet Compound, PNR Site, Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Muntinlupa City police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 1:45 p.m. nang biglang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima habang nakatayo sa bahagi ng Mullet Compound, PNR Site sa nabanggit na barangay.

Nang makompirmang wala nang buhay ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ayon sa pulisya, kilalang ‘tulak’ ng droga sa lugar ang biktima.

Teorya ng pulisya, posibleng may kinalaman sa droga ang pagpaslang sa biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam kung may CCTV sa lugar na makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek.

About Jaja Garcia

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *