NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) ang apat container van na puno ng imported na bawang sa port ng Batangas. Ang 120,000 kilos ng bawang na nagkakahalaga sa humigit kumulang P36 milyon ay mula sa Taiwan. (BONG SON)
MULING nakasabat ang Bureau of Customs (BoC) ng dalawang container van na puno ng imported na bawang sa port ng Batangas.
Dahil dito, aabot na sa apat na container van ang narekober ng mga awtoridad makaraan makasabat ng dalawang container van noong nakaraang linggo.
Ayon kay Batangas District Collector Ernesto Benitez, nasa 120,000 kilos na ang nakompiskang bawang na nagkakahalaga sa humigit kumulang P36 milyon.
Ang mga bawang ay nasabat sa nasabing port at ito ay galing sa Taiwan na nakapangalan sa Good Port Merchandsise ng Cagayan de Oro bilang consignee.
Sinabi ni Charo Logarta, spokesperson ng BoC, pinag-aaralan pa ng Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DoF) kung sisirain ang mga bawang o i-auction na lamang para may ibenta sa merkado.