Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aresto vs Bong, 32 pa iniutos ng Graft Court

062014_FRONT

INIUTOS ng Sandiganbayan kahapon ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kina Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., Janet Lim Napoles at 31 iba pa kaugnay sa kasong plunder at graft na inihain sa kanila kaugnay sa multibillion-peso pork barrel scam.

Ang warrant of arrest ay iniutos ng First division para sa pag-aresto kay Revilla, sa kanyang senior staff na si Richard Cambe, pork barrel scam mastermind Napoles, pamangkin ng negosyante na si Ronald John Lim, at kanyang driver-bodyguard na si John Reymund De Asis.

Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng apat pahinang resolusyon na nagsasaad na may nakitang probable cause para litisin si Revilla at ang iba pang mga akusado sa plunder at graft.

BONG HIHIRIT NG PIYANSA

MAGHAHAIN ng petisyon sa Sandiganbayan ngayong araw si si Sen. Ramon “Bong” Revilla upang makapagpiyansa.

Sinabi ng abogado ni Revilla na si Atty. Joel Bodegon, ngayong araw sila maghahain ng petisyon.

Nabatid na ipinag-utos na ng Sandiganbayan sa clerk of court ang paglabas ng arrest warrant laban kay Revilla.

Ito’y makaraan magdesisyon ang Sandiganbayan First Division na may probable cause sa mga kasong plunder at graft na inihain laban kay Revilla na may kaugnayan sa pork barrel scam.

MOSYON IBINASURA

BIGO ang kampo ni Sen. Bong Revilla at iba pang akusado sa pork barrel case, na kombinsihin ang Sandiganbayan na dapat itigil ang pag-usad ng pagdinig para sa naturang usapin at bigyan sila ng 10 araw para makatugon.

Batay sa resolusyong nilagdaan ni First Division Justice Efren dela Cruz, iginiit ng korte na walang naipakitang batayan ang panig ni Revilla para kontrahin ang kautusan ng SC na nagsasabing dapat magpa-tuloy ang proseso ng anti-graft court.

Nangangahulugan, ibinasura ng korte ang nasabing hirit ni Revilla.

WALANG BASTUSAN SA ‘PORK’ ARRESTS

TINIYAK ng Malacañang kahapon na hindi babastusin ng Philippine National Police (PNP) ang mga senador na sangkot sa pork barrel scam sa sandaling sila ay aarestohin na. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma, Jr., ang pahayag makaraan magbanta si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na may masamang mangyayari kapag bina-boy ang pag-aresto sa kanya.

Ayon kay Coloma, igagalang ng PNP officials ang karapatan ng mga senador at iba pang indibidwal na inaasahang i-paaaresto ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder na walang piyansa. “Gagampanan ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin batay sa utos ng hukuman at may paggalang sa karapatan ng mga tinutukoy na indibidwal,” ani Coloma.

Umaasa si Coloma na hindi hahantong sa sakitan ang nakatakdang pag-aresto sa mga akusado sa pork barrel scam dahil nakipag-ugnayan na aniya ang PNP sa kanila bago pa man lumalabas ang arrest warrant laban sa kanila.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …