Friday , November 22 2024

Koreanong ukay-ukay trader dedo sa kustomer

PATAY ang isang Korean national matapos barilin ng nakasagutang kostumer nang hindi magkasundo sa presyo ng ibenibentang sapatos sa puwesto ng ukay-ukay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si  Sungmo Hong, 4, ng Phase 3, Brgy. 176 Bagong Silang sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang hindi nakilalang suspek na mabilis tumakas.

Sa ulat ng pulisya,   6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng puwesto ng ukay-ukay ng biktima sa lugar.

Namimili  ang suspek ng mga paninda nang makursunadahan ang isang sapatos at itinanong kung magkano ang presyo.

Pilit tumatawad ang suspek pero hindi pumayag ang Koreano hanggang magkainitan dahilan upang umalis ang suspek.

Ilang sandali  ang nakalipas, bumalik ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima. (rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *